fbpx
Thursday, April 25, 2024
60,000 kilos ng imported mackerel fish, ipinamahagi sa San Juan City

60,000 kilos ng imported mackerel fish, ipinamahagi sa San Juan City

0 0
Read Time:1 Minute, 0 Second

Namahagi ng 60,000 kilos ng imported Mackerel Fish ang lokal na pamahalaan ng San Juan ngayong araw.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Aniya, dalawang container van ang nagbaba ng nasabing imported mackerel fish at ito ay kanilang ipinamahagi sa mga indigent na pamilyang San Juaneño at ilang mga nangangailangan din ng tulong sa nasabing lungsod.

Katuwang sa kanilang pamamahagi ay ang kapatid ni Mayor Francis Zamora na si Atty. Bel Zamora, Congressional District Office Head, ang mga Councilor na sina Boyet Aquino, Cris Mathay, Herbert Chua, at Ariel Atad, ang mga Barangay Captain, SK Chairpersons, at ang mga empleyado ng City Hall ng San Juan.

“Umaasa po ako na ang ating pamamahagi ng imported na isda sa araw na ito ay makakatulong sa mga pamilyang San Juaneño na lubos na apektado ng krisis ng COVID-19,” saad ni Mayor Zamora sa kanyang ipinoste sa official Facebook page nito.

Bagama’t General Community Quarantine (GCQ) na ang kanilang lungsod ay patuloy pa rin ang pagtulong ng kanilang minamahal na Alkalde at ang mga nag-aabot ng tulong din para sa higit na mga nangangailangan sa kanilang lungsod. (Ni Rex Molines / Photos courtesy from the post of Mayor Francis Zamora on his official Facebook page)

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

National

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading