Sunshine Cruz, may bwelta para sa mga schoolmates ng anak

Read Time:1 Minute, 22 Second

Aktres na si Sunshine Cruz may bwelta sa mga schoolmates ng kanyang mga anak.

Sa isang instagram post idinaan ni Sunshine ang kanyang saloobin patungkol sa pambabastos ng ilang schoolmates ng kanyang mga anak.

Nanawagan rin ang aktres sa mga kalalakihan at kababaihan na nagsasalita ng walang kamuwang-muwang patungkol sa kanya at sa kanyang mga anak.

Ayon sa post ni Sunshine, “Ano’ng satisfaction ang nakukuha n’yo sa pambabastos n’yo sa amin?

“I may have done sexy movies in the past but it is never a valid reason to treat us this way. #respectwomen.”   

Nagpost din ang aktres sa kanyang instagram story kung saan nagpapakita ng mga tao na nag-objectify sa kanya at sa kanyang mga anak at saad niya rito, “If this is right, I don’t know what’s wrong anymore…”

Sa twitter naman isiniwalat ni Samantha, anak ni Sunshine ang mga kalalakihan at sinabi niya na na-trauma siya noon rito.

Ayon sa kanyang post, “I just saw this now but this was posted in a dibs page 2 years ago for my sister’s prom.

 “She let this pass but I won’t. This will never be okay. The fact that I know some of these people is scary.

 “To disrespect our mom and my sister who was 12 years old at that time? Wow.”

Ang panganay na anak ni Sunshine, na si Angelina ay binalaan ang mga sexual predators, sa pamamagitan ng isang post sa twitter at ayon rito, “Don’t normalize putting the blame on what we wear, whether it’s too revealing or not decent for you. This is why rape culture exists.” (Ni Benjamin Ducay Garcia)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Boracay Island muling magbubukas
Next post Unang bakuna ng COVID-19 sa buong mundo, ligtas ng gamitin ayon sa Sechenov University sa Russia
%d bloggers like this: