
Nakompleto na ng Sechenov First Moscow State Medical University sa Russia ang clinical trials ng unang bakunang ginawa sa buong mundo para sa novel coronavirus disease (COVID-19). Ito ay kinumpirma ni Vadim Tarasov, director of Institute for Traslational Medicine and Biotechnology, ayon sa ulat ng Sputnik News.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Aniya, ang ulat ay nag-highlight na ang lahat ng vaccine clinical trials para COVID-19 na ginawa ng Gamalei Institute of Epidemiology and Microbiology ay nagsimula nitong Hunyo 18. Ang pag-aaral ay ginawa upang suriin ang kaligtasan ng bakuna kapag naibigay sa mga tao at ngayon ay naging matagumpay na naisagawa ito. Sinigurado rin ni Alexander Lukashev, director of Institute of Medical Parasitology, Tropical, and Vector-Borne Diseases ng Sechenov University, na ang bakuna ay kumpirmadong ligtas ng gamitin at ito ay nasa merkado na.
Bukod dito, ang manufacturer ng bakuna ay naghahanda ng isang plano para sa pagpapaunlad ng bakunang ito na isasama ang “complexity of the epidemiological situation with the virus” at kung paano mapapalawak ang paggawa ng bakuna, ayon sa report.
Nabanggit ni Tarasov na ang Sechenov University ay kumikilos bilang scientific and technological research center para sa pagbabakuna at hindi lamang isang institusyong pang-edukasyon. Ang Institute for Translational Medicine and Biotechnology naman ang nagsasagawa ng preclinical studies, protocol development pati na rin sa clinical trials ng bakunang ito.
Samantala, noong nakaraang buwan ay inihayag ng World Health Organization na ang Oxford’s vaccine ay mas advanced na natapos at inaasahan na ito ay magagamit sa lalong madaling panahon gaya ng AstraZeneca na nasa third phase of clinical trial na.(Ni Rex Molines)
Source: