OPINYON

ABS-CBN: A Challenge Accepted!

Nagsilbing teleserye ang usapin ukol sa prangkisa ng ABS-CBN. Maraming mga kapamilya natin ang nag-aabang kung mapapagbigyang muli na ipagpatuloy ang operasyon ng nasabing istasyon. Kamakailan nga ay lumabas ang pinakahihintay na resulta ng botohan sa Kongreso. Labing isang kongresista lamang ang bumoto para sa hindi pabor na “No Franchise for ABS CBN’’ habang pitumpo naman ang sumang-ayon  dito.  Samu’t Saring emosyon at hinanaing ang naglabasan sa pahayagan, telebisyon at social media ng mga artista at kilalang personalidad. Maging ang mga netizens ay nakiisa at nakibahagi sa malungkot na balita. Kaakibat sa desisyong ito, labing isang libong empleyado ang dumagdag sa mga nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.

Bago bumulusok ang ating mga damdamin, bakit di natin tanungin ang ating mga sarili kung bakit nangyayari ang lahat ng ito ngayong 2020? Una, ang pagsabog ng bulkang taal noong Enero kasunod nito ay ang pandemya na hindi lang Pilipinas kundi buong mundo ang naging apektado.

Sa mga hindi magagandang pangyayari naiisip ba natin na sa kabila ng lahat ay mayroon pa rin tayong biyaya na natatanggap? Tulad ng ating inang kalikasan nagkaroon ng liwanag ang dating madilim at ngayon ay unti-unti nagiging bughaw na kalangitan. Ito ay isang hudyat na naghilom ang sakit na nararamadaman ng ating inang kalikasan na tayo ang siyang may kagagawan.  Ang problema sa trapiko ay naibsan na matagal ng problema ng bayan. Hindi natin lubos maisip na sa isang iglap ay kaya palang masolusyunan. Iisa lamang ang Ibig sabihin, lahat ng mga insidente o pangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Tanging ang Poong Maykapal lamang ang nakakaalam kung ano ang makabubuti para sa ating lahat. Wala siyang hangarin na tayo ay mapasama. Gusto niya lamang tayong imulat sa ating pagkakahimbing sa mga masamang Gawain.

Kaya ngayon ang katanungan ng bayan bakit ang ABS-CBN na sadyang napakalaking network at tinatangkilik ng taumbayan ay biglang nawalan ng pakpak. Alam naman nating lahat na ito ay isang matayog na kumpanya. Kaya walang makapagsasabi na ito ay mangyayari.

Sino ba ang makakalimot nang minsang hinamon ng It’s Showtime Host na si Vice Ganda ang leader ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy. “Nako kabahan si Cardo, ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko si Quiboloy. Yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng ‘Ang Probinsyano’, abangan niyo yan. Ani Vice. “So ano Quiboloy hinahamon kita, ipahinto mo nga ang ‘Probinsyano, napahinto mo pala ang lindol e. Napakayabang niyo pala!’’ Dagdag pa ni Vice. Pabiro pa nitong hinamon si Quiboloy na magpunta sa gitna ng Edsa at pahintuin ang trapiko. Sinabayan siya ng madlang pipol na halos walang pagsidlan ang tawanan at kasiyahan.

Bumuwelta ang kanyang hinamon na si Pastor Quiboloy. “When do you want it to stop it? One month? Two Months? Four Months? You choose’’. Saad ni Quiboloy. “Maybe in four months it’s not just ‘Probinsyano’ that comes to a stop. Maybe it’s your network too.” Hindi na ko magsasalita. But Challenge is accepted”. Pahabol pa ng Pastor.  

Nangyari ang lahat ng hamon ng komedyante. Ito ay isang napaka imposible pero sa mata ng Diyos walang imposible. Sa mga nangyayaring ito, sana ay magsilbing leksyon sa ating lahat na nakikita ng Diyos kung ano ang ating mga ginagawa, nababasa niya ang ating isip, kilos at higit sa lahat nararamdaman niya kung ano ang laman ng ating mga puso.

Alam natin darating ang araw na muling maibabalik ang prangkisa ng ating Kapamilya Network. Hindi naman habang buhay ang lahat ng pangyayaring ito. Katulad sa pandemya na nararanasan natin ngayon. Alam nating lahat na hindi ito permanente. Kapag bumalik na sa dating normal ang lahat, nawa’y yakapin natin ang mabuting pagbabago na idinulot sa atin ng mga pagsubok na ito. (Ni RUBY RICA EFREN)

Categories: OPINYON

Tagged as:

1 reply »

  1. Yes! Amen to that!! Laht ng pagsubok ay daraan lang at mag iiwan ng aral. 🙂 God bless Philippines!! Laban lang mga kababayan!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.