
Giit ni Sen. Hontiveros; pagbayarin ng tax ang mga POGO at huwag ang online bartering

Binigyang diin ni Sen. Risa Hontiveros ang pagpapataw ng tax para sa online bartering ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong nakaraang araw.
Sa ipinoste ni Hontiveros sa kanyang official Facebook page, nagpahayag ng saloobin ang senadora na kung bakit ang online bartering nanaman ang gustong i-tax at mukhang nakalilimot ang mga ahensya ng gobyerno na dapat pagbayarin ang mga POGO operators na nagkakahalaga ng P50 Billion ang utang na buwis sa bansa.
Aniya, sasapat daw ito para makabili ng mga laptop para sa mga public teachers at mahigit 6 million tablets na maaring maipamigay sa mga estudyante na nasa publikong paaralan na higit 40.1% na ang mga nakapag-enrol ngayong taon.
“Malaking pagnanakaw sa kinabukasan ng ating mga anak ang hindi pagbayad ng buwis ng mga POGO.” Saad pa ni Sen. Hontiveros. (Ni Rex Molines)
