
Online barter trade mahigpit na ipinagbabawal, ayon sa DTI at BIR

Hinikayat ng Department of Trade and Industry ang mga online seller na nagsasagawa ng online barter trade na ito ay ilegal at dapat magparehistro sa tanggapan ng DTI at Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sa salaysay ni Trade Secretary Ramon Lopez, na labag sa batas ang ganitong uri ng kalakalan sa pag-oonline selling. Aniya, kinakailangan na dumaan sa regular at standard transaction ang mga online seller at magbayad ng karamptang tax.
Sa ganitong uri ng pagpapalitan ng napagkasunduang gamit na hindi ginagamitan ng pera upang makuha ang kapalit na aytem ay hindi tamang kalakaran na ginagawa sa online.
Dagdag pa ni Lopez na huwag tangkilikin ang mga unregistered seller sa social media at digital platforms tulad ng Lazada, Shopee at Zalora.
Aniya dapat sundin ang retail price na itinalaga ng DTI. Mas makabubuti kung bibili sa mga kilalang seller at rehistrado sa DTI para makasiguro sa kalidad ng produkto.
Sa pagtatala ng DTI, nasa mahigit 10,000 complaint na ang kanilang natatanggap patungkol sa mga online seller ngayong taon. (Lu Dela Cerna / Photo courtesy: PhilNews.ph)
