
Dine-in capacity palalawakin pa, ayon kay Trade Sec. Lopez

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez papayagan na ang ilang restaurants na palawakin pa ang kanilang dine-in capacity simula sa Hulyo 21.
Ito raw ay dahil sa naitalang 92-100 percent good compliance with minimum health standards and safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng novel coronavirus disease (COVID-19).
Ang pagsunod sa kautusan ng mga awtoridad na inilatag para sa mga fast food at restaurant na muling nagbukas at ang paggamit ng face masks, temperature checks, health declaration forms for customers, at ang pag-separate ng mga dining tables at iba pa ay matagumpay na naisagawa base na rin sa daily monitoring ng ahensya sa nakaraang buwan.
Ang mga lugar na sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ay mag-iincrease mula 30% hanggang 50% habang ang mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ) naman ay mula 50% hanggang 75% dine in capacity. (DM)