Buhay palengke: Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga

Read Time:1 Minute, 33 Second

Sabi nga sa isang salawikain, “Walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga.” Ito ang pinatunayan ni kaMilenyo Mary Grace Hipos.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Pagtitinda ng isda ang siyang ikinabubuhay ni kaMilenyo Mary Grace Hipos, taga Pilar Sorsogon at may 4 na anak. Mahigit 13 taon na siya sa negosyong ito.

Bago maglockdown ay maganda ang kitaan niya sa pagbebenta ng mga sariwang isda, at iba’t ibang klase ng dried fish at tinapa na kaniyang iniaalok sa kanyang mga suki kaysa ngayong may pandemya.

Aniya, mas tumindi pa raw ang sitwasyon ng kanyang buhay buhat ng maghiwalay sila ng kanyang asawa dahil sa hindi pagkakaunawaan ng kanilang pamilya, nagpatuloy pa rin si Mary Grace sa kanyang hanapbuhay hanggang sa nakilala niya ang isang lalaki na muling nagpatibok sa kanyang puso at hanggang sa naging katuwang niya na ito sa kanyang hanapbuhay.

Sa loob ng maraming taon ay nagsilbing aral at inspirasyon ito para kay Mary Grace upang mas maging matatag pa sa buhay. Dahil na rin sa pagtutulungan nilang mag-asawa ay nairaos nila ang kanilang pamumuhay. Bukod sa pagtitinda ng isda ay nakaisip din sila ng ibang mapagkakakitaan gaya ng pagpapa-arkila ng kanilang sasakyan pang delivery at mayroon din siyang napundar na ukay-ukay. Aniya, dapat ay matiyaga ka sa lahat ng bagay lalo na sa iyong napiling kabuhayan, hindi madali ang magtinda sa palengke at maglako, marami kang isasakripisyo lalo na ngayong may pandemya.

Sakabila ng lahat ng ating mga pinagdadaanan sa buhay, patunay lamang si kaMilenyo Mary Grace na hindi pwedeng sumuko kahit pa na may pandemya tayong kinakaharap.

“Laban lang, kahit may virus sa ating paligid basta isipin natin na maprotektahan ang ating sarili at kalusugan at hindi na mahawa o makahawa pa ng iba. Alam ko matatapos din ito. Tuloy-tuloy lang po tayo. Huwag susuko. Nandyan si God.” Ani Mary Grace. Mabuhay ka, kaMilenyo! (DM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Libo-libong mga lamok tepok sa patuloy na “canal declogging operation” ng DPWH sa Sultan Kudarat
Next post Pursuing Horizons: The Story of Architect Marco Bildan

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: