ABS-CBN President Carlo Katigbak halos mapaluha habang kausap ang ilang Kapamilya employees sa isang virtual conference

Read Time:1 Minute, 9 Second

Hindi kailanman natinag ng kongreso si ABS-CBN President and CEO Carlo Lopez Katigbak ngunit ang isang bagay na halos nagpalumpo at nagpaluha sa kanya ay ang mga kapamilyang mawawalan ng trabaho ngayon matapos ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN at hindi irenew ang prangkisa nito.

Sa nakalipas na 13 hearings ay nanatiling kalmado si Mr. Katigbak sa loob ng kongreso habang dinidinig ang mga alegasyong ipinupukol at kinahaharap ng Kapamilya network.

Ang lahat ng mga katanungang ibinabato ng mga Congressman kay Katigbak ay nagagawa niya itong sagutin ng tuwid at malinaw. Ngunit sa pagkakataong ito, sa isang virtual meeting ni Katigbak sa mga empleyado ng ABS-CBN ay hindi maikukubli ang pagkawasak ng kanyang damdamin habang ito ay nagsisimulang magsalita ay halos manginig ang boses at halatang nagpipigil sa pagluha dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman para sa mga mawawalan ng trabaho ngayong may pandemya.

“Magandang hapon mga Kapamilya. First of all, I want to thank everyone for…” kaniyang panimula habang sinusubukang pigilan ang pagluha nito.

“First of all I want to thank everyone for fighting with us,” pautal-utal na kanyang sambit hanggang sa napahinto ito panandalian sa pagsasalita at napahawak na lamang sa leeg.

Ito ay nakuhanan ni Gerald Anderson at ipinoste niya sa kanyang official Instagram account. Panoorin sa link na nasa ibaba;

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Pursuing Horizons: The Story of Architect Marco Bildan
Next post P386.6 bilyong utang bilang tugon sa Covid-19 krisis sa bansa, gugugulin ng 26 taon para mabayaran
%d bloggers like this: