
Oxford COVID-19 vaccine, ilalabas na sa darating na Setyembre

Malapit nang mag-anunsyo ng mga resulta sa matagumpay na paghahanap ng isang bakuna laban sa COVID-19 ang kilalang biopharmaceutical company na AstraZeneca sa darating na Setyembre ngayong taon.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Pinamunuan ni Sarah Catherine Gilbert, Professor ng Vaccinology sa Oxford University ang pagsuporta at paggawa ng pananaliksik ng naturang bakuna kontra COVID-19 na binuo sa nasabing Unibersidad.
Kilala rin si Gilbert bilang dating nag-develop ng bakuna para sa MERS o (Middle East Respiratory Syndrome). Ang MERS ay isang uri ng coronavirus na may pagkakapareho sa SARS-CoV-2.
Ang positibong balitang ito ay inaasahan na mailalabas sa lalong madaling panahon na naiulat ng iTV.
Sa kasalukyan, ang AstraZeneca ay gumagawa ng dalawang bilyong dosis ng Oxford COVID-19 vaccine na kilala bilang ChAdOx1 nCoV-19, ito ang technical name ng naturang bakuna.
Sa ulat mula sa Bloomberg, mahalaga ang ginagampanan ni Sarah Gilbert sa pagbuo ng naturang bakuna, dahil ito ay nakapagdiskubre ng kalunasan ng COVID-19 at ito ay nagdulot nang pagpapagaan ng kalooban sa mga nakaalam na.
“Oxford vaccine has an 80% probability of being effective in stopping people who are exposed to the novel coronavirus from developing COVID-19.” Tiwalang pahayag ni Sarah Gilbert.
Ang naturang vaccine candidate ay makakatulong para maiwasan ang paglanap ng naturang sakit sapagkat ito ay bumubuo ng uri ng antibody at T-cell (killer cell) na mag-dedevelop sa katawan ng taong may covid at ito ay lubos na inaasahan ng kanilang organisasyon. (Rex Molines)
Source:
https://www.indiatimes.com/technology/news/oxford-covid-19-vaccine-astrazeneca-518072.html