
P386.6 bilyong utang bilang tugon sa Covid-19 krisis sa bansa, gugugulin ng 26 taon para mabayaran

Sumampa na sa $7.76 bilyon o humigit kumulang P386.6 bilyon ang babayarang utang ng bansa simula sa taong 2023 at ito ay inaasahang matatapos sa 2049, ayon sa datos ng Department of Finance (DOF).
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Sa nakalap na impormasyon mula sa ahensiya, sumatotal ito sa mga utang mula sa Asian Development Bank (ADB) $2.6 bilyon, World Bank (WB) $1.3 bilyon, Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) $750 milyon, Japan International Cooperation Agency (JICA) $458,950,000, Agence Francaise de Development (AFD) $275,700,000, kasama dito ang issuance of bonds na $2.35 bilyon.
Umabot sa kabuoang $26.36 milyon ang ibinigay na grant assistance sa Pilipinas mula sa gobyerno ng Japan at sa ADB. Batay sa amortization schedules na nakapaloob sa dokumento ng DOF noong Hulyo 1, labing-limang (15) taon ang ibinibigay na panahon para mabayaran ng bansa ang nasabing pagkakautang.
Ang mga nakalap na pondo mula sa pautang ng ibang bansa ay layong gamitin ng administrasyon para sa pagpapagaan ng lumalalang epekto ng pandemya sa ekonomiya’t kahirapan, kalusugan, edukasyon at ang pagpapatuloy ng mga imprastraktura sa bansa.
Matatandaan na binigyang kapangyarihan ng Kongreso ang Pangulo sa ilalim ng napaso nang Bayanihan to Heal as One Act na galawin ang P275 bilyong nakatabing pondo ng pamahalaan noong Marso upang magamit ng bansa sa gitna ng krisis at kagutuman.
Source:
https://www.dof.gov.ph/data/fin-agreements/
News Writers’ Society of the Philippines (NewsPH)