
92% ng mga Pinoy palasuot ng face mask, ayon sa isinagawang survey ng YouGov

Mas maraming Pilipino ang nagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay kumpara sa ibang bansa. Ito ay napatunayan sa isang survey na isinagawa ng YouGov at Imperial College of London mula Hunyo 22 hanggang Hunyo 28.
Ang naturang survey ang nagpakita ng resulta na ang Pilipinas ang nangungunang bansa na may pinakamataas na porsiyento o 92% ng mga mamamayan na palagian o madalas na nagsusuot ng face mask.
Sumunod dito ay ang bansang Mexico na may 85%, pangatlo ang Spain sa 84%, at nasa ikaapat na pwesto ang bansang Hong Kong na nakakuha ng 83% at kapantay nito ang Italy, at Thailand. Kasunod nito ay ang mga bansang Japan at Malaysia na may parehong porsiyento na 77%.
Samantala, pinaka kaunti na nagsusuot ng face mask ay ang mga bansang Norway, Denmark, Finland at Sweden. (DM / Photo courtesy: Reuters)
Source: https://today.yougov.com/

About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
DTI, nakipag-ugnayan sa mga Stakeholders para sa pagtugon sa Inflation
Sakabila nang patuloy na paghagupit ng inflation sa buong mundo, ang Department of Trade and Industry (DTI) ay pinapanatili ang...
Lumahok sa Onlayn Talakayan hinggil sa Fieldwork sa Panahon ng Pandemya
Inaanyayahan ang mga guro, mag-aaral, mananaliksik, at kasapi ng mga katutubong pamayanang kultural ng Pilipinas na lumahok at matuto sa...
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
Mga Magsasaka, Ikinababahala ang imported na Sibuyas
Nababahala ngayon ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa pag-angkat ng imported na sibuyas ng Department of Agriculture (DA) ng...