CKSC Splendour Batch ’86 nag-donate ng cash sa Malabon Zoo
Matagumpay ang isinagawang pagtulong ng Chiang Kai Shek College – CKSC Splendour Batch ’86 sa Malabon Zoo nitong Sabado, Hulyo 18.

Namahagi ang naturang grupo ng mga Filipino-Chinese ng cash aid for food para sa inaalagaang mga hayop na matatagpuan sa Malabon Zoo.
Ayon kay Mr. Manny Tangco, founder ng Malabon Zoo, Aquarium & Botanica Garden, maituturing daw ito na isang milagro mula sa langit na may mga taong pinadadala upang tumulong sa mga nangangailangan higit ang mga hayop na hindi natin nabibigyang pansin na ang kanilang mga buhay ay nalalagay din sa panganib.
At kahit may pandemya ay tuloy-tuloy ang mga nagnanais na sila ay matulungan.



Aniya, buhat nang mag-lockdown ay hirap silang matustusan ng pagkain ang mga alagang hayop sa naturang zoo dahil maging sila man ay nagsara din. Kaya laking pasasalamat ng pamunuan ng Malabon Zoo ang inihandog na tulong para sa mga alagang hayop na may malaking gampanin din sa ating kalikasan.

Bukod dito, sabay na nagsagawa ng tulong ang CKSC Batch ’86 para mamahagi naman nang food packs sa mga Frontliners sa Rosario Maclang Bautista General Hospital at Fatima University Medical Center na makikita sa mga larawang ito. (Ni Rex Molines / Photos & Post Courtesy from Pilipino Positibo)


