
Face masks with valves hindi safe gamitin, ayon sa FDA

Pinaalalahanan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na huwag gumamit ng face masks na mayroong valves o bilog na nasagilid ng face masks bilang pamproteksyon laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa isang interbyu kay FDA Director-General Eric Domingo ng radio station DZBB, aniya na ang ginagamit ng karamihan sa atin na face masks with valves ay hindi rehistrado para sa medical purposes.
“Hindi sila mga medical and/or surgical masks, kundi ay mga industrial masks. ‘Yan po ang ginagamit ng mga karpintero o ng mga naga-grinding,” he said. “So ang talagang intensyon niyan ay hindi makapasok ‘yung alikabok sa ihihinga ng tao.” Salaysay ni Domingo.
Dagdag pa niya, “Halimbawa kung ikaw ay may sakit at suot-suot mo [yung may valve], maaring lumabas po ‘yung hininga niyo doon sa valve. Kung infection control ang pag-usapan, yung mga [masks with valves] ay hindi po para doon,” he said.
“Ang proteksyon niya one-way, eh ang gusto natin ang proteksyon ng mask ay two-way. Kung tayo ay walang sakit hindi tayo mahahawa, kung tayo ay may sakit hindi tayo manghahawa,” muling tugon ni Domingo.
Sinabi pa ni Domingo na mas makabubuti kung ang ating gagamitin ay medical or surgical masks. Maari ring gumamit ng cloth masks.
“Sa mga ospital o sa mga naga-alaga ng may sakit, gusto po talaga natin medical or surgical use na mga masks. Pero kung everyday use, kahit naman po mga cloth masks. Mas safe pa po ang mga regular masks na walang valve,”
Pinakiusapan din ng FDA Chief ang mga ahensya at pamunuan ng mga ospital na ipagbawal ang pagtanggap ng mga indibidwal na gagamit ng masks with valves. (DM | PHOTO COURTESY: THE MEDICAL CITY)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
US Vice President Harris, nasa ‘Pinas
MANILA, Philippines -- Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand. Makikipagpulong...
Marcos, inaasahang matatalakay ang Food Security and Energy sa APEC Summit 2022
BANGKOK, Thailand -- Lumapag na nitong Miyerkules ng gabi [November 16] si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Thailand kung...
Marcos, hinimok ang US na gamitin ang global influence sa pagpigil na pagtaas ng presyo ng gasolina
Hinimok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Estados Unidos nitong Sabado, Nobyembre 12, na gamitin ang kanilang pandaigdigang...
‘Pinas at Vietnam, nagkasundo na palakasin ang intel sharing sa gitna nang territorial claims sa karagatan
COMBODIA -- Nagkasundo si Panguong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh nitong Huwebes [November 10],...
Climate Change and the Impact to Economy (Part 2)
by Rick Daligdig [Part 2] Every time we experience ferocious typhoons or other calamities we only know about the...