Michael V nagpositibo sa COVID-19

Read Time:1 Minute, 30 Second

Inamin ng Kapuso Star comedian actor na si Michael V nitong umaga ng Lunes na siya ay nagpositibo sa nakahahawa at nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).

“Positive ako sa COVID-19, just as what we suspected early on,” sabi ni Bitoy sa kanyang Youtube channel nitong umaga.

“Alam ko hindi normal na nawala ‘yung pang-amoy ko and I was counting na may kinalaman ‘yun sa COVID, pero I was also praying na sana wala. Sana allergy lang or something.” saad ng comedian actor.

Habang vini-videohan ang sarili tungkol sa video gaming consoles na kanyang pampalipas oras ngayong quarantine ay kapansin-pansing pabago-bago ang boses ng aktor. Aniya, hindi alam ng karamihan na habang nagsu-shoot ang aktor sa kanyang vlog ay panay ubo na pala ito.

Aniya, nag-isolate na agad ang aktor, uminom ng gamot at nagpa-consult sa kanyang doctor online noong ikaapat na araw mula ng magsimula ang mga sintomas na kanyang nararamdaman.

“I got better the following day, monday. Hindi naman tumaas nang todo ‘yung temperature ko. I mean, the highest was 37.1 degrees as of kanina. Pero merong flu-like symptoms talaga.”

Dama rin ng aktor ang kakaibang pakiramdam sa bandang ilong. Ngunit sabi na aktor ay sinubukan nya ring umamoy ng mga matatapang sa pang-amoy ngunit ito ay hindi niya malanghap. Kaya nagduda na ang aktor na ito ay isa sa mga sintomas ng COVID-19. Kaya naman, naantala na ang mga dapat pang i-video ng aktor.

Ayon pa kay Bitoy, itutuloy niya ang mga kinakailangang gawin upang gamutin ang sarili at muling makabalik sa kanyang mga pinagkakaabalahan. Aniya, miss na miss na rin niya ang kanyang pamilya pero alam naman daw niyang kakayanin nito ang kinahaharap na naturang sakit, “We’ve been through worse.” (Tin Lampig)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post MP Toy Mangudadatu prepares 2,000 “TOYletry” kits for LSI and ROF
Next post Clinical trials ng Tawa-tawa at Lagundi kontra Covid-19, sisimulan na
%d bloggers like this: