
Pagtugon sa COVID-19 at hindi ang pagtutok sa Charter Change – Robredo

Nitong linggo ay nanawagan ang Bise Presidente Leni Robredo na tutukan ng ating gobyerno ang pagtugon sa coronavirus disease at hindi ang pagtutok sa pina-planong charter change ng pamahalaan, at hindi ito napapanahon para pag-usap sa ganitong sitwasyon ng bayan.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Matapos itong mabatid ni Robredo na mayroong higit 1,000 mayors ang kumakampanya nito sa ilalim ng Administrasyong Duterte upang mabigyang kapangyarihan ang local authorities.
Sa isang AM radio weekly show ng Bise Presidente na BISErbisyong LENI ay kaniyang sinabi na dapat mas bigyang prayoridad ng gobyerno kung paano makatutulong sa mga kinakaharap ng bansa at hindi ang mga usapin na wala namang maidudulot na mabuti sa ganitong panahon.
Dagdag pa niya, na may mga bansang nagbabalik na sa normal na pamumuhay dahil sa pagtutok ng mga ito sa pandemya sa kanilang bansa. Aniya, mag-pokus tayo sa pagtulong sa mga Pilipinong humaharap sa kasadlakan ng buhay, ang pagtutok sa medical supplies in relation to COVID-19, mabigyang trabaho ang mga nawalan ng trabaho at hanapbuhay at ang mga negosyong nagsara nang dahil sa pandemya.
“We are busy with a lot of things, like the anti-terror law and shutting down ABS-CBN which are not solutions to the COVID-19 crisis.” (Ni Rex Molines)
Source: inquirer.net