Banner Story

Clinical trials ng Tawa-tawa at Lagundi kontra Covid-19, sisimulan na

MANILA — Sisimulan na ang clinical trials para pag-aralan ang potensiyal ng Tawa-tawa at Lagundi at ibang herbal plants bilang dagdag na gamot para sa mga pasyenteng nagpositibo sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay Department of Science and Technology Secretary Fortunato Dela Peña.

Ang Tawa-tawa ay una nang inaprubahan bilang health supplement para sa Dengue at ngayon ay pag-aaralan naman ang bisa nito para sa COVID-19.

Nilinaw ng Kalihim na ‘adjuvant therapy’ ito para sa COVID-19 at hindi ikinukonsoderang gamot na makagagaling nang nagpositibo na pasyente sa naturang sakit. Ang pag-aaral sa Tawa-tawa ay nakatuon na matulungan ang mga pasyente na huwag nang humantong pa sa mas malalang sintomas ng COVID-19.

Isasailalim din sa clinical trials ang Lagundi laban sa COVID-19 matapos itong pahintulutan ng DOST.

“Alam naman natin na ’yung lagundi ay tanggap na ’yan bilang gamot sa ubo, sa mga respiratory ailments at ’yan ang kauna-unahang halamang gamot na nacommercia­lize through a DOST research as early as the late 80s”, saad ng Kalihim.

Sa pagtatala, sinimulan ng DOST ang pag-aaral sa epektibo ng ilang herbal medicines laban sa COVID-19 nitong buwan ng Abril. Kanilang napatunayan na ang Lagundi at Tawa-tawa ay may taglay na anti-viral properties kung kaya’t ito ay kanilang inaprubahang sa mas malalimang pag-aaral.

Ayon sa ahensya, nasa 20 pasyente na ang susubok sa clinical trial at nangangailangan pa ng 45 na pasyente ng COVID-19 para sa naturang pag-aaral.

Samantala, hinihintay na lamang ng ahensiya ang approval ng Food and Drug Administration (FDA) upang maisagawa ang clinical trials na pangungunahan ng UP-Philippine General Hospital. (Rex Molines)

Source: Philippine Star

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.