Banner Story

R.A. 10929 o ang “Free Internet Access in Public Places Act” pinirmahan na ni Duterte

Photo credit to Michael Varcas

Pinirmahan ni Pangulong Duterte ang revised Republic Act 10929 o ang “Free Internet Access in Public Places Act” nitong Miyerkules, Hulyo 15.

Saklaw ng mandatong ito ang free internet access para sa mga opisina ng gobyerno, local government units (LGUs) at ang mga pampublikong lugar.

Ang naturang free internet access ay mayroong minimum internet speed kada user na 2 megabits per second (2 Mbps) base sa preskripsyon ng National Broadband Plan.

Sa ilalim nang ipinasang batas ay maaring magamit ang free internet access sa mga sumusunod; national and local government offices, public basic education institutions, state universities and colleges, technology institutions, public hospitals, health centers, and rural health units, public parks, plazas, libraries, barangay reading centers, public airports and seaports, at public transport terminals.

Aniya, mahigpit na ipagbabawal ang pag-access sa mga pornograpikong palabas sa internet.

Pamumunuan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagbabantay sa implementasyon ng naturang batas.

Matatandaan na ang naturang batas ay inilathala noong Agosto 3, 2017 at nilagdaan ni Duterte ang orihinal na bill noong Setyembre 2017. Ngunit ito ay nirebisa nitong nakaraang linggo at binigyang lagda muli ng Pangulo ang nasabing bill. (Rex Molines / Photo credit to: Michael Varcas)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.