Mag-asawang senior sabay na nagpositibo sa COVID-19, gumaling nang magkasama

Read Time:1 Minute, 42 Second

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

LEICESTER, ENGLAND — Matapos tamaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) ang mag-asawang senior citizen ay ligtas nilang hinarap ang naturang sakit nang magkasama sa loob ng tatlong linggong pananatili sa ospital sa Leicester, England.

Kinilala ang mag-asawang senior na sina Michael England, 91 at ang kaniyang misis na si Gillian England, 88 na mahigit 61 taon nang magkasama sa buhay. Sila ay na-discharged sa ospital nitong Hulyo 17 ayon sa ipinoste ng Leicester’s Hospital sa kanilang Facebook page nitong Hulyo 18.

Sa kanilang pananatili sa ospital, ang pasyenteng si Michael ay nag-aayos muna ng kaniyang sarili bago tumanggap ng medical treatment at pagkatapos nito ay kaniyang hinihingi ang pahintulot ng staff na masilayan niya ang misis bago siya mag-ehersiyo.

Samantala ang kaniyang misis naman ay laging naghihintay na masilip ng kanyang asawa upang kanilang pagsaluhan ang isang mainit na tsaa na may ngiti sa mga labi na kanilang malalagpasan ang naturang virus.

“While I’ve been in hospital I’ve not really missed anything because Gillian is here and I have been able to see her every day,” sabi ni Michael.

“I want to get better so I can look after my wife – first and foremost, I want to be there for Gillian,” dagdag pa ni Michael matapos nilang lisanin ang ospital.

Aniya, napakasarap daw sa pakiramdam na sabay silang na-discharged sa ospital sa magkaparehong araw. Ito raw ay napakasayang pangyayari sa kanilang buhay na sabay nilang hinarap nang magkasama at ngayon ay ligtas na sila sa naturang virus.

Nagpasalamat din ang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanila nang mga medical staff sa pag-iingat sa kanilang kalusugan at tamang kalinga na kanilang naranasan habang nasa loob ng ospital. Aniya, kahit nakalabas na sila ng ospital ay magpapatuloy pa rin sila sa pagpapagaling alinsunod na rin sa habilin ng kanilang mga doctor.

Ang mag-asawa ay mayroong tatlong anak na lalaki, at ang isa sa kanilang mga anak na si Russel ay sinundo sila sa naturang ospital. /Rex Molines

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Average Rating

5 Star
0%
4 Star
0%
3 Star
0%
2 Star
0%
1 Star
0%

One thought on “Mag-asawang senior sabay na nagpositibo sa COVID-19, gumaling nang magkasama

Comments are closed.

Previous post Mababang ‘accuracy result’ ng Rapid testing, hindi inirerekomenda ng DOH
Next post Pangulong Duterte, aprubado ang Face-to-face classes sa low risk areas

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: