
Pangulong Duterte, aprubado ang Face-to-face classes sa low risk areas

Aprubado kay Pangulong Rodrigo Duterte ang limitadong face-to-face classes sa ilang lugar na nasa low risk areas o under ng modified general community quarantine.
Matapos itong iprisinta ni Education Secretary Leonor Briones sa Pangulo ang panukala at mga kondisyon sa face-to-face classes.
Ang nasabing panukala ay hindi para sa lahat ng paaralan sa bansa, ito ay isasagawa lamang sa mga piling lugar o nasa low risk areas na may mababang kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Aniya, sa ilalim ng panukalang ito, isa o dalawang araw lamang sa loob ng isang linggo ang pasok ng mga mag-aaral at lilimitahan din ito sa mga importanteng bagay na dapat pag-ibayuhin o tutukan ng mga mag-aaral.
Gaya sa ibinigay na halimbawa ni Briones na ang La Salle ay nagsimula na sa face-to-face classes at isang maliit na paaralan sa Siquijor.
Pahihintulutan naman na magpatuloy ang mga nagsasagawa ng limitadong face-to-face classes ang mga pribadong paaralan na nagsimula nitong Hunyo. Ngunit ito raw ay dapat may kooordinasyon ng DepEd, LGUs, at local health authorities.
Dapat din na sumunod sa health standards at magkaroon ng pilot testing ang National Task Force Against COVID-19 sa mga paaralang magsasagawa ng f2f classes.
Sa panukalang ito, hindi dapat lumampas sa 15 hanggang 20 ang maximum na bilang ng mga mag-aaral at dapat ay pairalin ang 1 to 2 meters na distansya ng mga upuan sa loob ng silid aralan.
Samantala, ang nasabing panukala para sa face-to-face classes ay epektibo simula Enero 2021 o sa ikatlong quarter ng school year. (Rob Simutil / DM / Photo: Manila Bulletin)