
Inaprubahan ng Food & Drug Administration (FDA) ang COVID-19 test kits na gawa sa Pilipinas at pwede na itong gamitin ng ating mga kababayang nakararanas ng sintomas ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19).
Ang UP National Institute of Health ang nag-developed nang naturang test kits at pinondohan naman ito ng Department of Science and Technology.
Tinatayang nasa higit 300 test kits o katumbas ng walong libong tests ang nagagawa nila kada araw.
Ayon sa Health Tek Laboratories na gumagawa ng mga test kits na binuo ng UP, mahigpit nilang imomonitor ang naturang test kits upang masiguro ang kalidad nito.
“Meron na kaming quality control procedures in place po, we have the post marketing surveillance in place para patuloy na masiguro ang kalidad ng aming mga test kits.” sabi ni Maricar Ocampo, Head of Marketing ng Health Tek Laboratories sa isang interbyu sa telebisyon.
Batid naman nang karamihan, bukod sa may kamahalan ang pagpapa-Covid test ay nagdudulot din ito ng kaba lalo na sa may mga sintomas na kinakailangang mabatid ang tunay nilang kondisyon dulot ng COVID-19.
Ayon pa sa UP na ang kanilang test kits ay mas mura ng 25% porsiyento ang pagpapa Covid test kaysa sa mga pribadong ospital. Aniya, maaring malaman agad ang resulta sa loob ng 48 na oras. (Rex Molines)
Categories: COVID-19 PH