
COVID-19 vaccine na binuo sa Oxford University, mabibili sa tamang presyo

PARIS — Malapit nang ilabas ang bakunang binuo ng Oxford University at AstraZeneca sa buong mundo at ito ay mabibili sa presyong naaayon sa kalidad ng bakuna bago matapos ang taon, ayon sa pahayag ng kanilang director general nitong Martes, Hulyo 21.
“Our objective is to bring the vaccine to everybody, (and) equally to do so on a not-for-profit basis so we shall be providing the vaccine at cost price.” Sabi ni Pascal Soriot sa kanyang interbyu sa RTL Radio.
Ang halaga nang naturang bakuna ay 2.5 euros ($2.8) per unit. Aniya, magiging patas ang kanilang pamunuan sa pagbebenta ng naturang vaccine at ito ay kanilang ibebenta ng walang tubo para makatulong sa mga covid patients sa buong mundo.
“We hope to be able to promote a vaccine by the end of the year…perhaps a little earlier if all goes well,” dagdag pa ni Soriot na kanilang inaasahan na makukuha ang resulta ng Phase 3 trials sa buwan ng Setyembre.
Maging ang US group na Johnson & Johnson ay maghahatid din ng kanilang binuong vaccine bilang “nonprofit pricing” din.
Kaugnay nito, inilabas na ang resulta ng Phase ½ trial ngayong linggo ng The Lancet, ang naturang vaccine ay ligtas gamitin at nagpakita ito ng immune response sa katawan ng taong infected ng COVID-19.
Kinumpirma naman ng kanilang mga competitor na Pfizer, Merck, at Moderna sa US lawmakers na hindi nila ibebenta ang kanilang bakuna batay sa gastos lamang ng kanilang laboratoryo.
Sa pagtatala, mahigit 200 candidate vaccines ang ginagawa sa buong mundo at 23 dito ay nagkaroon ng magandang progeso matapos magsagawa ng clinical trials. (Rex Molines /DM)
