NAIA Terminal 4, ginawa munang COVID-19 testing site ng mga empleyado

Read Time:1 Minute, 11 Second

Pansamantalang ginawang COVID-19 testing center ang check-in area ng Terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport habang ito’y naka tigil-operasyon nitong Miyerkules. 

Ayon sa Media Affairs Division ng Manila International Airport Authority, binubuo ito ng apat na booth para sa rapid test habang isa naman para sa swab test na eksklusibo sa mga empleyado at service provider nito na LSERV Corporation. 

Ang mga kawani ay kinakailangan munang sumailalim sa rapid test at kung magpositibo ang resulta ay saka isasalalim sa swab test upang makumpirma kung ang mga ito ay mayroong COVID-19 infection. 

Nasa 54 empleyado na ng MIAA ang nagpositibo habang 17 sa mga ito ang gumaling na. 

37 naman ang bilang ng active cases mula noong Marso. 

Ito ay isinasagawa dahil sa tumataas na bilang ng mga empleyadong nagpopositibo sa naturang sakit. 

Sa ipinoste nila sa kanilang Facebook page, sunod na magsasagawa ng testing sa mga tauhan ng paliparan sa Sabado, Hulyo 25. 

Balak itong gawing dalawa o tatlong beses kada linggo.  

Patuloy ang pagpapaaalala ni MIAA General Manager Ed Monreal sa mga empleyado na magsagawa ng precautionary measures katulad ng physical distancing, paglalagay ng alcohol, at palagiang paghuhugas ng kamay.

Mahigpit din ang patakaran ng NAIA sa pagsasagawa ng temperature check sa mga pasukan at labasan, at pagsisigurado ng physical distancing ng mga pasahero.  (Ni Dale Cabuquin via Pasay City)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Bilang ng mga Pinoy abroad na nagpositibo sa COVID-19, nadagdagan pa ng 20 new cases ayon sa DFA
Next post Duterte Critic’ Bishop Pabillo, tests positive for COVID-19
%d bloggers like this: