
11 Empleyado ng MIAA, nagpositibo sa COVID-19 Rapid test

Labing isa sa empleyado ng Manila International Airport ang nagpositibo matapos isailalim sa COVID-19 rapid test nitong Miyerkules.
294 ang bilang ng isinailalim sa unang araw ng libreng rapid test sa mga empleyado.
283 ang nag negatibo habang 11 sa mga ito ang nagpositibo.
Agad na ipina-swab test sa pamamagitan ng Reverse Transmission – Polymerase Chain Reaction o RT-PCR ang mga nagpositbo sa rapid test upang makumpirma kung positibo sila sa COVID-19.
Kinakailangan nilang makipag-ugnayan sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) sa kanilang barangay bilang health protocol.
Kasalukuyan din silang nananatili sa kani-kanilang bahay bilang pagsunod sa kautusan na mag home quarantine.
Pansamantalang ginawang COVID-19 testing center ang check-in area ng Terminal 4 ng Ninoy Aquino International Airport habang ito’y naka tigil-operasyon at layon nitong masuri ang 6,462 nitong mga kawani.
Samantala, patuloy sa operasyon ang NAIA Terminals 1, 2, at 3.
Mula noong Marso, 57 kaso na ng COVID-19 ang naitala sa MIAA kung saan 19 dito ang gumaling na at nakabalik na ng trabaho.
38 naman sa bilang na ito ang nanatiling active cases. (Ni Dale Cabuquin via Pasay desk)