
Komunidad sa Valenzuela City, sasailalim sa community lockdown
‘25% – 50% Residente ang nagpositibo’ sa naturang komunidad.

Sasailalim sa mahigit dalawang linggong community lockdown ang komunidad ng Barangay Bagong Kaunlaran, Paso de Blas sa lungsod ng Valenzuela matapos lumabas sa resulta na 25 hanggang kalahating porsyento ng mga residente nito ay nagpositibo sa isinagawang swab test.
Ayon sa ipinoste sa facebook page ng Lungsod ng Valenzuela, magtatagal ito mula ika-25 ng Hulyo hanggang Agosto 9.
Inanunsyo rin ang pamimigay ng hygiene kit, gayundin ang rasyon ng inuming tubig at pagkain tuwing ikalimang araw upang masiguro na hindi lalabas sa mga tahanan ang mga residente.
Ang unang rasyon ay sa unang araw ng lockdown, Hulyo 25 (Sabado);
Ikalawang rasyon ay sa Hulyo 30 (Huwebes);
Ikatlong rasyon – Agosto 4 (Martes) at;
Ikaapat na rasyon – Agosto 9 (Linggo).
May kaakibat na multa sa lahat ng lalabag mula P5,000 hanggang P10,000 at pagkakakulong nang hindi hihigit sa 30 araw.
Siniguro rin ng lokal na pamahalaan na hindi mapuputulan ng kuryente at tubig ang komunidad habang nasa ilalim ng lockdown.
Maaari ring makipag-ugnayan ang mga kamag-anak na nais maghatid ng pagkain at tulong sa mga otoridad at dalhin ang mga pagkain sa “Padala Station” upang maihatid sa mga residente.
Hinihikayat din ang mga residente na makipag-ugnayan sa Medical Command post sa numerong 0908 409 9128 para sa mga pangangailangang medikal.
“Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa. Sama-sama nating labanan ang COVID-19” ani Valenzuela Mayor Rex Gatchalian sa isang sulat. (Ni Dale Cabuquin via Valenzuela City)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Corona’s consequences – how the Pandemic is changing globalization
by Bernadeth Barillos A quote once said, “If you stay positive in a negative situation, you win.” But with...
AMERIKANONG ENGINEER, NAMAHAGI NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Dugong-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55 anyos na Software Engineer na...
Barangays, together with ice cream brand, Aice plan on distributing free ice cream to more than 2 million people nationwide to give cheerfulness in time for the holiday season
[caption id="attachment_27624" align="aligncenter" width="690"] Barangay Head Gift Giving Activity in General Santos City[/caption] Manila, Philippines, 12 December 2022 – Over...
KINSENG BAKA, MAAGANG NAMAMASKO SA KALSADA?
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Agaw eksena sa mga tao ang labing-limang baka na tila namamasko sa kalsada. [gallery columns="2"...
Baranggay San Jose, nakiisa sa isang aktibidad
Ni Ella Luci Nagkaroon ng General Parade sa bayan ng San Jose, mula sa iba't ibang sektor kasama ang Christine...
CELLPHONE NG LAW STUDENT, ISINAULI NG ISANG STREET SWEEPER
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Hindi akalain ng isang law student na maisasauli pa ang nawawala niyang cellphone. Papasok na...