Pinoy BL series, hit sa mga netizens

Read Time:1 Minute, 34 Second

Tinangkilik ng mga netizens ang ilang Pinoy Boys Love series na sumasalamin sa equality.

Kasabay ng Covid-19 pandemic sa Pilipinas, patuloy na tinatangkilik ng ilang netizens ang pinoy BL o Boys love series.

Dahil sa katanyagan ng BL series na 2Gether na mula sa Thailand, lumikha ang ilang production companies dito sa Pilipinas at ito ay ang Gameboys na umeere sa youtube noong May 22 na mula sa Idea First Company na pinamumunuan ng mga director na sina Jun Lana at Perci Intalan.

Ang Gameboys ang kauna-unahang pinoy BL serye na naglabas sa panahon ng quarantine at ito ay pinagbibidahan ng mga indie actors na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

Noong May 31 naman sumunod na nag-released ang production company na VinCentiments na pinamagatang Sakristan at pinagbibidahan ito ng swimmer at triathlete na si Clifford Pusing at ang theatre actor na si John Henry Villanueva.

Sumunod naman ang Hello Stranger na pinagbibidahan ng mga actor na sina JC Alcantara at Tony Labrusca sa ilalim ng produksyon ng Black Sheep.

Ang pinakabagong Filipino boys love series ay ang In Between, kung saan mayroon na sila 200,000 views matapos nilang mag -release in just four days at pinagbibidahan ito ng mga atletes-turned-actors na sina Genesis Redido at Migs Villasis

Ang BL series ay unang naging popular sa Japan at nitong nagdaan na taon lamang ay lumaganap na rin sa ilang bansa mula sa Asia tulad na lamang ng Thailand at Taiwan.

Ayon sa filmdaily.com, ang nasabing series ay nakakakuha ng higit na popularidad sa buong mundo, ang mga ganitong uri ng palabas ay tumataas at ang kalidad ng nilalaman ay mabilis din na nagpapabuti.

Ang paglikha ng mga provocative na content ay nag-explore ng iba’t ibang mga tema at may kaugnayan sa LGBTQ. (Ni Benjamin Ducay Garcia / Photo courtesy to the owner)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 11 Empleyado ng MIAA, nagpositibo sa COVID-19 Rapid test
Next post Boracay Island, pwede nang bisitahin ayon sa DOT

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: