51% ng mga Pilipino stress sa COVID-19 ayon sa SWS

Read Time:55 Second

MANILA, Philippines — Maraming Pilipino ang nakararanas ng pagkabahala o sobrang stress sa gitna nang pandemya sa ating bansa ayon sa inilabas na survey ng Social Weather Stations ngayong sabado, Hulyo 25.

Batay sa ginawang pagsusuri sa pamamagitan ng mobile phone survey ng SWS mula ng ika 3 ng buwan ng Hulyo hanggang ika 6, ang sanhi ng sobrang pagkabahala ng mga Pilipino ay ang COVID-19 crisis sa bansa.

Sa pagtatala, 51% porsyento nito ay nakakaramdam ng “great stress” o sobrang pagkabahala ng mga matatanda sa pandemya at 35% porsyento naman ang nagsasabing “much stress” sila sa naturang virus.

Ang iniulat ng SWS ay tungkol sa ‘worst trend in survey history’ na sumasalamin sa buhay nang mga Pilipino sa gitna ng pandemya sa bansa.

Habang ang 14% porsyento nito ay nagsasabi na hindi sila masyadong apektado ng sitwasyon.

Kumpara sa nakalap na datos noong buwan ng Mayo na may parehong paksa mula sa dating 55% at bumaba ito sa 51% ngayon ay hindi nalalayo ang magkaparehong bilang nito sa stress level na idinudulot ng nakamamatay na virus sa bansa. /DM

Photo: philstar

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Original Sang’gres, magsasama muli sa proyekto
Next post Mang Dolphy pinarangalan ng Google
%d bloggers like this: