
Huo-Yan Lab ng Chinese BGI company, ibinahagi rin sa Pinas

Kamakailan lamang ay inilunsad sa ating bansa ang binuo na Huo-Yan Lab ng Chinese BGI Company.
Aniya, mahalaga ang gampanin nito buhat nang magsimula ang coronavirus disease (COVID-19) sa Wuhan China. Ito rin ang kanilang naging pagtugon sa pang rehiyonal na pagtulong upang mabatid ang kondisyon ng isang indibidwal kung ito ba ay infected ng COVID-19.
Ang nasabing Lab ay ibinahagi rin ng China sa iba’t ibang bansa gaya ng Australia, Italy, France, at Sweden.

Aniya, maaring makapag test ng 3000 samples kada araw at ito’y makakatulong para magpatuloy sa pagtatrabaho ang karamihan.
Ang pagkumpleto ng lab na ito ay resulta nang magkasanib pwersa at kooperasyon ng ating gobyerno, international institutions at mga negosyo para labanan ang naturang virus.
Ayon pa kay Secretary Nograles na ang data sharing, information sharing, at technology sharing sa rehiyonal na gawain ay malaking pakinabang sa buong mundo upang mabigyang access ang lahat para sa medical na pangangailangan. (Rex Molines)
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang official facebook page sa link na nasa ibaba;
https://m.facebook.com/ChinaEmbassyManila/