e-Governance platforms makakatulong ng malaki sa ‘new normal’ ng bansa – Bong Go

Read Time:1 Minute, 13 Second

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Binigyang diin ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go ang kahalagahan at benepisyo ng e-Governance platforms at ito raw ay magiging kapaki-pakinabang para sa lahat at tuluyan ng mapatid ang red tape at corruption sa bansa.

“Hindi lamang po malaki ang magiging papel ng e-governance na maka-adapt ang bansa sa pagdating ng ‘new normal’, mas mapapabilis din po nito ang mga proseso at transaksyon sa gobyerno towards a ‘better normal’ when it comes to government service delivery,” sabi ni Go.

Aniya, kapag ito ay maisakatuparan ng husto at magtuloy-tuloy ay mas mapapabuti, magiging mas mabilis, at mas makakagaan ito para sa lahat sa mas maayos na mga transaksyon sa gobyerno at ma-access ang government information with less bureaucratic delays.

Dadag pa ni Go na maiiwasan din ang korapsyon dahil mas magiging transparent ang proseso at makababawas ng face-to-face transcations.

Ngayong may pandemya sa bansa at patuloy ang pagtaas ng bilang nang mga nagpopositibo sa coronavirus disease (COVID-19), mababawasan din nito ang personal interaction na madalas nagiging sanhi ng red tape at korapsyon sa gobyerno.

“May mga proseso sa gobyerno na pwedeng mas maisaayos gamit ang makabagong teknolohiya. Mas nakita po natin ito ngayon dahil sa COVID-19 crisis kung saan karamihan ng ating pang-araw araw na transaksyon ay kinailangang mag-evolve,’’ ani Bong Go. (Ni Rex Molines / Photo couhttps://web.facebook.com/Pregroe/rtesy to the official Facebook page post of Sen. Bong Go)

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post PNP nakaalerto sa SONA rally ngayong araw
Next post Taiwan, visa-free entry hanggang Hulyo 2021

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d