Photo News

“Letter of Hope” program ng Malasakit Movement, gadgets para sa mga estudyante ipamamahagi

Naglunsad ang Malasakit Movement, isang non-government organization ng “Letter of Hope” program para sa mga estudyante na karapat-dapat mabigyan ng ipamamahagi nilang gadgets ngayong darating na pasukan.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson and Malasakit Movement founder Assistant Secretary Celine Pialago, para makasali sa naturang programa, ang mag-aaral ay kinakailangan na magpadala nang kanilang liham sa opisyal na Facebook page ng Malasakit Movement;
(https://ww.facebook/malasakitmovement/)

“They should write a letter sent to the Malasakit Movement’s official Facebook page. They should justify why they should receive the free gadgets we are giving away,” sabi ni Pialago.

Aniya, ang mga guro ay maari ring magpadala ng kanilang liham sa NGO para sa kanilang mga mag-aaral na sa tingin nila ay karapat-dapat mabigyan ng gadgets.

Ayon pa rin kay Pialago na marami ang lumapit sa kanila upang mag-donate ng mga gadgets na magagamit ng mga estudyante na higit na nangangailangan nito.

Magbibigay ang Malasakit Movement ng 50 smartphones, at 10 tablets sa mga karapat-dapat na mag-aaral.

Naglaan din ang Spokesperson ng 20 smartphones para idagdag sa kanilang “Letter of Hope” program. Ito ay nagmula sa kanyang bulsa dahil naniniwala siya sa importansya ng edukasyon kaya kanyang isinulong ang programang ito.

Nagpasalamat din si Pialago sa mga nakiisa at nagpaabot tulong para sa kanilang programa.

“I am very grateful to entrepreneurs Arniel Cosinal, Zenaida Tang, Amy Yao, Elizabeth Abello for donating 10 cellphones. Also, I’m very grateful to Jonathan Kher for giving 20 cellphones and five tablets to us,” pasasalamat ni Pialago.

Aniya, ang pagkatuto ng bawat mag-aaral ay hindi dapat pigilan, hindi ito dapat ipagsantabi. Kaya naman, kanilang pinagsusumikapan na matugunan ang pangangailangang edukasyon ng mga mag-aaral sa new normal education sa ganitong kaparaanan.

Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang opisyal na facebook page. (From Rex Molines / Photo courtesy to the official Facebook page post of Malasakit Movement)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.