Taiwan, visa-free entry hanggang Hulyo 2021

Read Time:1 Minute, 6 Second

Maari nang makabyahe ang mga Pilipino na nagnanais pumunta ng Taiwan kahit walang visa ayon sa Ministry of Foreign Affairs (MOFA).

Ang naturang visa-free entry ay para lamang sa mga piling bansa kabilang ang Pilipinas at ito ay extended hanggang Hulyo 2021.

Sa anunsyo ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO), ang pagbibigay extension ay layon na palakasin ang New Southbound Policy sa inisyatibo ng Taiwanese government na mapabuti at mapalawig ang pakikipag-ugnayan ng kanilang bansa sa Southeast Asia, South Asia, at Australasia.

“The agencies participating in the meeting, having evaluated the status and outcomes of the measures so far, jointly made the following decisions: From August 1, 2020, trial visa-free entry for nationals from Thailand, the Philippines, Brunei, and Russia will be extended for one year until July 31, 2021.” Sabi ng TECO.

Samantala, nilinaw ng TECO na ang MOFA ay nag-anunsyo na kanilang tututukan ang pagbababantay sa mga pasaherong magtutungo sa Taiwan upang maiwasan ang local transmission ng naturang virus sa kanilang bansa dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

Ang TECO ay dumidepende sa inilalabas na assessment ng Taiwan’s Central Epidemic Command Center (CEEC) upang mapatid ang pagbabagong kalagayan ng pandemya sa buong mundo.

Para sa iba pang detalye bisitahin ang link sa ibaba;

https://focustaiwan.tw/politics/

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post e-Governance platforms makakatulong ng malaki sa ‘new normal’ ng bansa – Bong Go
Next post “Letter of Hope” program ng Malasakit Movement, gadgets para sa mga estudyante ipamamahagi

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: