Balita

China, uunahin ang Pilipinas para sa suplay ng COVID-19 vaccine

Dahil sa maayos na ugnayan ng Pilipinas sa bansang China, tutugunan nila ang pagtulong sa Pilipinas na makapagsuplay ng bakuna kontra COVID-19.

Tutugunan ng China ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikonsidera ang Pilipinas na mabigyan ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), ayon sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin ng China nitong Martes.

“Since the COVID-19 outbreak, China and the Philippines have been helping and supporting each other in the efforts to fight the pandemic, attesting to the mutual cooperation that has brought out a new highlight in bilateral relations,” sabi ni Wang.

“We are willing to give priority to the vaccine request made by China’s friendly neighbor the Philippines.” Dagdag ng tagapagsalita ng China.

Sinabi ni Duterte sa kaniyang taunang ulat sa ating bansa nitong Lunes na siya ay nakisuyo sa China na unahing tulungan ang ating bansa kung sakali upang masiguro na tayo ay mabibigyan nila ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease.

“I made a plea to Chinese President Xi Jinping that if they have the vaccine, can they allow us to be one of the first? Or if it is needed, if we have to buy it, that we will be granted credit so that we will normalize as fast as possible,” sabi ni Duterte sa kanyang SONA nitong Lunes.

Sinabi rin ng Pangulo na ang pagtugon sa coronavirus ng kanyang pamahalaan ay malayo pa sa inaasahan ng lahat.

Samantala, sa naging pahayag ng Pangulo patungkol sa pagitan ng China at U.S. Aniya, hindi makikialam ang ating bansa sa mga isyu patungkol sa South China Sea, walang pinapanigan ang Pilipinas sa pagitan ng China at ng U.S.

Matatandaan na una nang tinanggihan ni Pangulong Duterte ang U.S. na gamitin nila ang military base sa Pilipinas. (Rex Molines / Phot courtesy: CGTN News)

Source:

https://news.cgtn.com/news/2020-07-30/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.