Feature

Customize Cloth Masks with zipper by KALOSph

Customize cloth masks with zipper ng KALOSph, tinatangkilik ng kanilang mga customer at sa online!

Nitong buwan lamang ay pinagbawal ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng mga face mask na mayroong valves dahil hindi raw ito safe gamitin ngayong may pandemya. Masmakabubuti raw ang pagsuot ng surgical masks at cloth masks para maprotektahan ang sarili sa nakahahawa at nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19). Kaya naman, marami ang naglabas ng iba’t ibang disenyo ng face masks nitong nagdaang mga linggo.

Isa sa mga tinatangkilik ng mga customer ng KALOSph ay ang kanilang customize cloth masks with zipper. (Photo: KALOSph)

Nakilala ng DIYARYO MILENYO ang may-ari ng KALOSph na si Mr. Harold Capuli na nagdidisenyo ng iba’t ibang printed customize cloth masks and tube masks na talaga namang tinatangkilik nang mga nagiging kliyente nila.

Aniya, mahigit tatlong taon na sila sa negosyong ito. Nagsimula silang gumawa ng customize cloth masks nitong buwan ng Abril lamang. Dahil sa kakulangan, may kamahalan at pabago-bagong presyo ng surgical masks na binibenta sa online. Nakaisip sila na gumawa ng customize cloth masks na may iba’t ibang disenyo sa pamamagitan ng kanilang malikhaing pag-iisip.

Isa sa nakaka-engganyong suotin na kanilang ginagawa ay ang customize cloth masks with zipper. Gumagawa sila ng cloth mask na mayroong zipper ang harap. Ito raw ay kanilang naisip dahil karamihan sa atin kapag nauuhaw o gustong makahigop ng malalamig na inumin ay kailangan pang alisin ang face mask na suot para lang makahigop o makainom ng tubig kapag tayo ay nasa pamilihan o saan man. Kaya naman, isa ito sa patok na pinagagawa sa kanila ng mga kliyente nila at ang mga nakakakita nito sa online.

Bukod sa pagdidisenyo ng cloth masks at tube masks, ang KALOSph ay kilala sa paggawa ng mga printed design Shirts, Polos, custom Longsleeves, Jackets, at mga uniform.

Ang bawat disenyo na kanilang ginagawa ay kakaiba, detalyado, at mabusisi. Dahil sa mahusay na pagkaka-imprinta nito ay nagugustuhan talaga ito nang kanilang mga customer. Hanggang sa dumami ang nagpapagawa sa kanila mula ng kanilang simulan ito.

Ilan sa mga kliyente nilang tumangkilik at nagpa-customize ng cloth masks ay ang Akari, Aiwa, Shell, MAAP, Ayala land, AFP, at marami pang iba. Mapa-small, medium enterprises at big company ay kanilang siniserbisyohan din.

Napakahalaga para sa kanila ang expectation ng mga kliyente. Kaya mabusisi nilang ginagawa ang bawat disensyo at kulay na ilalapat sa piniling ipa-customize ng mga nagpapapagawa nito.

Aniya, ang pagdidisensyo o pagpapa-customize sa kanila ay kayang tapusin ng isang araw lamang. Kapag ito ay pumasa sa kanilang kliyente ay idederetso na nila ito sa pag-iimprenta.

Nakatutuwang isipin na ang mga kababayan nating Pilipino ay nakakaisip nang mga kaparaanan upang maghanapbuhay sa ganitong may pandemya sa buong mundo. Ika nga ni Mr. Capuli, “Huwag panghihinaan ng loob, kung gusto ng resulta kailangan ng kaukulang pagkilos.”

“Importante ang relasyon na mabubuo sa pagitan namin at ng client kaya kailangan itong pangalagaan, maging tapat at patas,” dagdag pa ni sir Harold Capuli.

Para sa mga nagnanais magpa-customize ng cloth masks or tube masks at iba pa, maari silang i-message sa kanilang official Facebook page o tumawag sa numerong 0917-620-1744. Bukas din sila para sa mga gustong mag pre-selling ng kanilang mga produkto. (Ni Rex B. Molines)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.