Filipina Artist na si Pacita Abad, ginawaran ng Google
MANILA, Philippines — Binigyang pagtanaw ng Google ang namayapang Filipina artist and feminist na si Pacita Abad ng isang napakaganda at malikhaing colorful doodle.
Ginawaran si Abad ng colorful doodle kung paano siya nakilala, “bold use of color and mixed media as well as her use of art to address global themes.” sabi ng Google.
Ipinanganak si Abad noong Oktubre 5, 1946 sa Basco, Batanes, at nakapagtapos ng pag-aaral sa San Francisco, California sa United States taong 1970.
“Abad went on to study painting and then traveled the world with her art supplies, from Bangladesh to Sudan, and the cultures she encountered had a profound influence on her ever-evolving artistic style,” saad ng Google.
Ilan sa kanyang mga famous artwork ay ang 1979 series na “Portraits of Cambodia” na mayroong 5000 piraso ng sining.
Namayapa si Abad dahil sa sakit na lung cancer noong 2004 sa edad na 58. (Li Francisco)
You must be logged in to post a comment.