ISPORT

Hidilyn Diaz wagi sa online lifters tournament

NAGWAGI sa isang online competition si Hidilyn Diaz, ang Rio 2016 Olympics silver medalist at 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa 59 kg category ng 2020 Oceania Weightlifting Federation (OWF) Eleiko Email International Lifters Tournament.

Nitong Miyerkules ay nagtweet si Diaz tungkol sa online competition.

“Dapat maglalaro ako kahapon sa #Tokyo2020. Dahil sa COVID-19, na-postpone ang Olympics, na-move next year. Buti na lang may online competition nakabuhat ako ng 95 kgs sa snatch 121kgs sa clean and jerk,” sabi ni Diaz.

Tinalo ni Diaz ang 50 katunggali na mga atleta, kung saan pumangalawa si Fatima Yukubu ng Australia at pumangatlo si Johanni Taljaard ng South Africa.

Inanunsiyo ng OWF ang resulta nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa OWF, nakapagbigay sila ng pagkakataon sa lahat ng mga lifters sa buong mundo na nakararanas ng hamon sa kanilang pag-eensayo dahil sa patuloy na banta ng COVID-19 na naging sanhi nang pagkaantala ng mga kompetisyon sa buong mundo.

Sa kasalukuyan ay nasa Malaysia si Diaz dahil sa naabutan siya ng lockdown ngunit sinisiguro niya na nananatili siyang nakapokus sa nalalapit nitong kompetisyon sa Tokyo. /DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.