
2 weeks lockdown, hinihiling ng PMA
Ang mga Frontliner ngayon ay humihiling nang 2 linggong lockdown sa ating Pangulo sa pamamagitan ng enhanced community quarantine sa NCR at maisaayos ang direksyon sa paglaban sa COVID-19 sa bansa.

Iminumungkahi nang pamunuan ng Philippine Medical Association (PMA) na mapagbigyan sana ang kanilang hiling na bigyang importansya ang mga napapagod na nating mga frontliner sa pagharap sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19) kahit dalalawang linggong lockdown.
Ang hininiling ng PMA ay ang pagpapatupad muli ng enhanced community quarantine sa national capital region at iba pang kalapit probinsya. Aniya, sa ganitong pagpapatupad ay makakatulong ito ng malaki sa pagbawas ng mga nagpopositibo sa naturang sakit.
Sa isang open letter ni Dr. Jose Santiago Jr., pangulo ng Philippine Medical Association para kay Pangulong Rodrigo Duterte. Halos magmakaawa sila na mapakinggan ng pamahalaan ang kanilang tinig na kahit sa loob lamang ng 2 linggong lockdown ay makapag pahinga kahit paano ang mga napapagod na nating frontliners. Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Nagpahayag din ng saloobin ang Pangalawang Pangulo ng Philippine Medical Association na si Maricar Limpin na hindi sila nakikipaglaban sa ating gobyerno, bagkus ay kaisa sila ng pamahalaan laban sa pandemyang ito.
“…kaya kami po ay nananawagan na sana po ay pakinggan nyo po kami. Ibigay ang timeout na ito. Ilagay natin ang DOH as the lead agency na siyang kukumpas sa direksyon sa istratehiya na gagawin natin. We have to act as one.” sabi ng Ikalawang Pangulo ng PMA. (Rex Molines)