NEGOSYONG PATOK

Kate Chen Homemade Bagoong at Crispy Chili Garlic, binabalik-balikan

Isa sa mga isinusulong na adhikain ng DIYARYO MILENYO ay mabigyang pagkilala ang mga produkto na gawang Pinoy, tatak Pinoy para sa Pinoy.

Sipag, tiyaga, tamang diskarte, at ang pagkahilig ng karamihan sa pagluluto ay nagiging daan para makaisip ang mga kababayan natin nang mga maaring ibenta sa kanilang mga kakilala at sa online.

Nakilala ng DIYARYO MILENYO ang gumagawa ng Anghel Sweet Bagoong at Crispy Chili Garlic na si Ms. Kate Chen ng Kate Chen Homemade Bagoong at Crispy Chili Garlic na taga Quezon City.

Aniya, mula raw nang mag-lockdown ay hirap na sila sa kanilang pamumuhay gayong may mga anak siya na dapat suportahan at magulang na dapat tulungan. Isa pa sa nagpatindi sa sitwasyon ng kanilang pamumuhay ay nang mawalan siya ng trabaho.

Dahil sa pangyayaring ito sa kanilang buhay, nag-isip siya kung paano kikita para lamang maka-survive sa hirap ng buhay na dinadanas ng halos karamihan din sa atin. At dahil patok ngayon ang online selling, sinimulan niya ang paggawa ng kaniyang produkto na sweet bagoong at crispy chili garlic.

Nagsimula siya sa pamumuhanan na P3,000 at ito ay kaniyang pinaikot sa pagnenegosyo. Dahil sa patok ang online business, hindi na rin siya nahirapan pang ialok ang kaniyang produkto dahil sa mga mabubuti nitong mga kaibigan na sila na rin mismo ang kaniyang mga online seller at nagpapatikim sa mga umoorder sa kanila.

Sa katunayan, ang Kate & Chen ay mahigit 2 taon na nilang business at dito rin sila kumukuha ng panggastos nila ngunit hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay pumapabor sa kaniya ang sitwasyon noon.

Aniya, ang Anghel Sweet Bagoong at Crispy Chili Garlic naman ay dalawang buwan pa lamang niyang tinatrabaho at maganda naman ang naging outcome nito sa kanilang pamumuhay.

“Unang-una, tiyaga tapos mag-post lang sa social media para makita ng mga tao, mag-alok sa mga kakilala. Dapat sure ka sa product mo na masarap para balik-balikan ka nila…at talaga namang ikukwento nilang masarap ang product mo.” Sabi ni Kate.

“Basta tiwala ka sa lasa ng produkto mo, babalikan ka ng lahat.” Pagtatapos ni Kate.

Bukod sa sweet bagoong at crispy chili garlic, nagbebenta rin sila ng Spanish Style Bangus sa halagang P170 (220g); Sinaing na Tulingan P170 (220g); Gourmet Tuyo(Spicy/orig) P220 (220g); Bagoong Alamang (spicy/sweet) P100 (220g); Crispy Chili Garlic P160 (220g); at siyempre Cheesecake (serves 8-10 persons) available in blueberry, strawberry, mango, & pineapple flavor sa halagang P895.

Tumatanggap din sila ng mga nais maging reseller ng kanilang produkto. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang kanilang official facebook page na nasa ibaba. (Ni Rex Molines)

https://www.facebook.com/katechen518

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.