Photo News

Mga pangarap ni Mayor Mamantal para sa SSB tinupad nito sa kanyang “first 100 days”

SULTAN SA BARONGIS (SSB), Maguindanao — Ayon kay Mayor Mamatanto M. Mamantal, dalawang pangarap nito ang natupad mula ng umupo ito na bagong alkalde ng bayan na ito noong Marso 3, 2020.

Sa kanyang limang-pahina na mensahe, sinabi ni Mayor Mamantal na kapag siya ang nailuklok na bagong alakalde ng SSB, magbibigay ito ng ayuda-pinansyal sa mga pamilya ng bawat namatayan sa kanyang bayan.

Magbibigay siya ng isang sako na bigas at konting “cash assistance” para maitustos ang tinatawag na “ta’aziah” ng namatay na kababayan nito.

Ayon kay Mayor Mamantal, mula noong Marso 2 hanggang Hunyo 13, 2020 (first 100 days ng kanyang panunungkulan bilang bagong alkalde ng SSB), marami na siyang nabigyan ng tulong sa mga pamilya ng mga namatayan sa iba’t-ibang mga barangay ng kanyang bayan.

“Patuloy tayong magbibigay ng tulong sa mga namatayan dahil yan po ay obligasyon ko bilang ama ng SSB,” sabi ni Mayor Mamantal.

Ang isa pa nitong pangarap ay ang pagbibigay ng “zakat” (or allowamce) sa mga “ustadz” ng 12 barangays ng SSB.

Sa kanyang “first 100 days” bilang bagong alkalde ng SSB, buong pagmamalaking inilahad nito ang kanyang mga nagawa na at mga gagawin pa.
Unang pinagtuunan ng pansin ni Mayor Mamantal ang paggawa ng “executive orders” para sa pag-reorganisa ng iba’t ibang mga local boards, councils at mga komitiba ng bayan.

Nagpalabas din ito ng executive order para sa pag-organisa ng isang task force na ang layunin ay ayusin ang mga gulo ng pamilyang nag-aaway sa SSB.

Inilahad din nito ang iba’t-ibang mga proyekto na naipatayo ng Makabagong Sultan Sa Barongis, sa ilalim ng kanyang pamamahala, sa mga barangay ng SSB.

Sa usaping COVID-19 naman, sinabi ni Mayor Mamantal na gumawa ito ng mga hakbang upang labanan ang pananalasa ng nasabing sakit.

Iginiit ni Mayor Mamantal na hindi nagpabaya ang kanyang liderato sa pagbibigay proteksyon sa kanyang mga kababayan laban sa COVID-19 at tinugunan nito ang mga pangangailangan nila sa panahon ng pandemya.

“Namahagi po tayo ng relief goods, mga face mask at hygiene kits sa ating mga kababayan na nakakalat sa 12 barangays ng SSB,” sabi ni Mayor Mamantal.

Iginiit ni Mayor Mamantal na marami na itong mga nagawa at patuloy itong gagawa ng mga proyekto na makabubuti sa kanyang mga kababayan sa SSB. (ABDUL CAMPUA via Mindanao Desk/Photo credit to AG D. MAMANTAL FB ACCOUNT)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.