
PCG frontliners, patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga gumagaling sa COVID-19

Taus-pusong pasasalamat ang naging pagtugon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nanalangin para sa mabilisang paggaling ng ating mga PCG frontline personnel na infected ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kasagsagan nang kanilang pagtugon sa ating bayan habang patuloy ang pandemya.
Iniulat ng PCG Medical Service nitong Linggo (Agosto 02, 2020) na ang kabuoang bilang ng mga gumaling ay 485, mula sa 631 kabuoang bilang ng mga nagpositibo sa kaso ng COVID-19 sa kanilang organisasyon. Habang 146 na lamang ang active cases sa kanilang hanay na halos asymptomatic ang kondisyon.
Bukod sa pagbabantay sa mga naapektohan na mga PCG frontliners, naniniwala naman si PCG Commandant Admiral George V. Ursabia Jr., na ang patuloy na panalangin at mga nakakapukaw damdamin na mga mensahe para sa mga PCG frontliners ang nagbibigay lakas sa kanila at ito ay nagdulot nang magandang resulta para mapaglabanan ang nasabing virus na laganap sa buong mundo.
“We give thanks and glory to God for His unfailing grace to our frontline personnel who have recovered and returned to service, as well as to our fellow Filipinos who include our health and safety their daily prayers. Through your support, we remain strong and persevering. Rest assured that we will continue to aid the national government in its fight against COVID-19. We will heal as one!” sabi ni Admiral Ursabia. (Rex Molines)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
4 Drug Suspek, Timbog sa Pasay City
PASAY CITY --- Arestado ang apat na drug suspect sa ikinasang drug-bust operation ng mga miyembro ng Southern Police District...
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
CELLPHONE NG LAW STUDENT, ISINAULI NG ISANG STREET SWEEPER
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Hindi akalain ng isang law student na maisasauli pa ang nawawala niyang cellphone. Papasok na...
US Vice President Harris, nasa ‘Pinas
MANILA, Philippines -- Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand. Makikipagpulong...
BOC patuloy ang imbestigasyon ukol sa mga nakumpiskang imported na asukal sa bansa
Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa nangyaring seizure operations sa stocks ng asukal sa mga warehouse at pantalan, ayon kay Bureau of Customs (BOC spokesperson Arnold dela Torre.