Sultan Kudarat at Maguindanao partner sa laban kontra COVID-19

Read Time:2 Minute, 47 Second
Governor Datu Suharto “TENG” Mangudadatu (governor of sultan kudarat province, former congressman of Sultan Kudarat and former mayor of Lutayan, Sultan Kudarat) with his wife Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu (first lady governor of Maguindanao and former multi awarded mayor of Datu Abdullah Sangki municipality in Maguindanao, BARMM). PHOTO CREDIT TO AGILA NG MAGUINDANAO FB PAGE. 

SULTAN KUDARAT, Philippines — Hindi  inaakala at iniisip nila Governor Datu Suharto “TENG” Mangudadatu, PhD ng probinsya ng Sultan Kudarat at ng misis nito na si Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ng probinsya ng Maguindanao na pangungunahan nila ang isang laban para sa kaligtasan ng kanilang mga kababayan.

At ‘yan ay laban kontra “COVID-19,” kung saan patuloy na nananalasa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa kasalukuyan, patuloy na pananalasa ng nasabing “virus” ay nasa level na ng pandemya.

Advertisement

Hindi nila inaakalang dalawa na may magaganap na pandemya. Hindi nila inaakala na magiging pag-asa sila ng kanilang mga kababayan sa mga probinsya ng Sultan Kudarat at Maguindanao.

Kahit natatakot ang mga residente ng dalawang probinsya sa nasabing nakamamatay na sakit, hindi sila bumitaw sa pag-asa dahil alam nilang hindi sila pababayaan nila Governor Teng at Governor Bai Mariam.

Hindi nga sila nagkamali. Hindi sila pinabayaan ng dalawang gobernador. Nakita nila kung paano sila prinotektahan laban sa nasabing sakit. Nakita nila ang mga hakbang at mga sakripisyo na ginawa ng dalawang gobernador.

Sa panahon ng pag-atake ng COVID-19, naramdaman ng mga residente ng dalawang probinsya ang liderato nila Governor Teng at Governor Bai Mariam. Ipinakita ng dalawang gobernador ang kanilang malasakit at pagmamahal sa kanila. Hindi sila pinabayaan.

Bumaha ang “relief goods” sa iba’t-ibang bahagi ng Sultan Kudarat at Maguindanao. Hindi naramdaman ng mga residente ng dalawang probinsya ang gutom at epekto ng nasabing sakit. Lahat ay nabigyan. Maging ang mga nakatira sa malalayong bahagi, tulad ng bundok at dagat, ay nabigyan.

Ipinakita nila Governor Teng at Governor Bai Mariam sa mga residente ang tunay na kahulugan ng “malasakit” at ng “kapamilya.”

Nakita ng mga residente kung paano pinangunahan nila Governor Teng at Governor Bai Mariam, sa tulong ng lahat na “frontliners” at mga pulis at mga sundalo, ang pakikipaglaban kontra sa COVID-19.

Lahat ay inspirado na ibahagi ang kanilang maitutulong  sa pakikipaglaban dahil alam nilang nakasandal sila sa mga liderato na hindi sila pababayaan sa panahon ng kagipitan at sa panahon ng pandemya.

Maging ang mga alkalde ng iba’t-ibang mga munisipyo sa mga probinsya ng Sultan Kudarat at Maguindanao ay aktibo rin sa kanilang mga responsibilidad na proteksyonan ang kanilang mga kababayan laban sa nasabing sakit dahil alam nilang may gobernador at gobernadora silang may mahusay na liderato, malasakit at pagmamahal sa kanilang lahat.

Para kay Governor Teng at Governor Bai Mariam, ang krisis sa COVID-19 ay nagbigay sa kanilang dalawa ng pagkakataon na ipakita sa kanilang mga kababayan ang kanilang mga kakayahan, pagmamahal  at malasakit.  

Matagumpay na ipinakita nila Governor Teng at Governor Bai Mariam ang kanilang mga kakayahan na proteksyonan ang kanilang mga kababayan sa tulong ng ispirito ng “bayanihan.”  

Para sa kanila, tuloy pa rin ang laban. Hindi nila alam kung kailan matatapos ang laban kontra sa COVID-19 pero nakahanda silang dalawa. (ABDUL CAMPUA via Mindanao Desk)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post “Isolation facilities” ng LGU-Datu Piang para sa LSI at ROF matagal ng nakahanda
Next post PCG frontliners, patuloy ang pag-akyat ng bilang ng mga gumagaling sa COVID-19
%d bloggers like this: