5 BIFF members sa Maguindanao sumuko sa AFP at sa mga opisyal ng Shariff Aguak

Read Time:52 Second

SHARIF AGUAK, Maguindanao — Lima (5) na umanoy mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa tulong ni Mayor Marop Ampatuan, Vice Mayor Akmad Ampatuan at mga opisyal ng bayan na ito.

Personal na ipineresenta ng mga opisyal ng Mechanized Brigade ang sumuko na BIFF members sa isang simpleng-seremonya na ginanap mismo sa bayan ng Shariff Aguak.

Ang mga dumalo sa nasabing seremonya ay sina Colonel Jesus Rico D. Atencio CAV GSC PA, Deputy  Commanding Officer Colonel Ferdinand B. Lacadin CAV GSC PA na pawang nakabase Barangay Kamasi sa bayan ng Ampatuan probinsya ng Maguindanao, at INF Batallion LTC Cresencio G. Sanchez.

Sa seremonya, makikita ang high-powered firearms na kasamang isinuko ng nasabing BIFF members.

Sa kanilang mga mensahe, pinasalamatan nila Mayor Marop Ampatuan, Vice Mayor Akmad Ampatuan ang sumuko na mga rebelde.

Hinikayat naman ng pamunuan ng AFP ang iba pang mga BIFF members na sumuko na at bigyan ng tsansa ang kapayapaan. (ABDUL CAMPUA via Mindanao Desk)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post NPA member patay sa engkwentro, pinalibing ng barangay at 37th IB
Next post Vehicle registration extended hanggang Setyembre 2020 – LTO
%d bloggers like this: