
Ayuda para sa MSMEs, naitawid na sa House Panel

Naitawid na sa House Committee on Ways and Means ang House Bills numbers 4878 at 5610 para matugunan ang paglago ng micro-small and medium enterprises na pinamumumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda matapos na amyendahan ang Section 9 ng panukala.
Layon ng panukalang ito na patatagin ang microfinance programs at bigyan ng access sa pamumuhunan at pag-unlad ang MSMEs.

Nakapaloob dito ang lahat ng grants, financing, donation, at contribution para sa mga MSME’s sa ilalim ng Puhunan, Tulungan at Kaunlaran (PTK) Act of 2019 ay ililibre sa pagbabayad ng donor’s tax at ikokonsidera rin ito bilang allowable deduction mula sa gross income ng donor sa probisyon na rin ng National Internal Revenue Code.
Nakasaad din sa panukala na gawing simple at praktikal ang proseso ng pagkuha ng MSMEs ng micro-financing, grants, at technical support.
Sinisiguro rin na ang uutangin ng mga MSMEs ay para sa kanilang pamumuhunan at ang loan interest ay hindi dapat mas mataas sa tubo na ipapataw sa kasalukuyang bank rates.
Aabot sa P125 billion ang ilalaan para sa limang taon na implementasyon ng PTK Five-Star Loan Program sa oras na maging ganap na batas ang naturang panukala.
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Mga Naratibo mula sa Rehiyon tampok ang Buhay na Panitikan sa Iba-ibang Wika ng Isla at Kapuluan
Sa paggitan ng Buwan ng mga Sining at Panitikan, idinaos ng National Committee on Literary Arts (NCLA) ang “Panitikan ng...
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
Climate Change and the Impact to Economy (Part 2)
by Rick Daligdig [Part 2] Every time we experience ferocious typhoons or other calamities we only know about the...
Mayor Vico, nagbitiw na sa Aksyon Demokratiko ni Isko Moreno
Nagbitiw na si Pasig City Mayor Victor Ma. Regis "Vico" Sotto sa partidong Aksyon Demokratiko ni dating Manila Mayor Isko...
4 na Rehiyon sa bansa, Idineklarang State of Calamity
Idineklara ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa 'state of calamity' ang mga lugar sa Regions 4-A (Calabarzon), 5 (Bicol),...