
CAVITE, Philippines — Maaring makulong at pagmultahin ang mga dudura sa pampublikong lugar sa lalawigan ng Cavite.
Sa ipinosteng anunsyo ni Vice Governor Jolo Revilla sa kanyang official Facebook page, aniya naipasa na ang “Anti-Public Spitting” Provincial Ordinance No. 282 – 2020 sa nasabing lalawigan kung saan ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagdura sa mga pampublikong lugar sa Cavite.
Aniya, maari raw ito maging sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na laganap sa ating paligid.
Ang mahuhuli o lalabag sa oridnansang ito ay pagmumultahin ng P2000 at maaring makulong nang isang buwan. (Rex Molines via Cavite desk)
https://www.facebook.com/jolorevillaIII/
Categories: PROBINSYA