Banner Story

141k manggagawa nawalan ng trabaho – DOLE

Dahil sa retrenchment at pagsasara nang mga kompanya, umabot na sa 141,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho.

UMABOT na sa 141,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara at retrenchment ng mga kompanya sa unang walong buwan ng taon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

May kabuuang 140,958 empleyado ang lubos na naapektuhan sa bansa mula sa 6,843 establisimiyento mula Enero 1 hanggang Agosto 2, batay sa Job Displacement Monitory Report ng DOLE Regional offices.

Sa pag-aaral ng mga datos, 90% porsyento ng iba’t ibang industriya ang nagbawas ng empleyado habang 10% porsyento ng mga kompanya ay permanente nang nagsara.

Base pa rin sa kanilang pag-uulat, may 128,474 manggagawa ang natanggal sa trabaho habang may kabuuang 12,484 ang nawalan ng trabaho dahil sa permanenteng pagsasara sa Metro Manila.

Ang National Capital Region (NCR) ang nagtala ng pinakama­raming displaced workers sa 62,369, sumusunod ang Region 4-A (Calabarzon) na may 31,935 wor­kers na apektado mula sa 1,292 establisimiyento.

Pinakakaunting naitala na displaced workers naman ay ang Zamboanga Peninsula (region 9) na may 116 mula sa 20 establisimiyento.

“The most number of workers displaced are from the sectors of administrative and support service at 24 percent or 34,154 and manufacturing at 14 percent or 19,557,” nakasaad pa sa report.

Samantala, ang bilang nang mga establisimiyento na sumasakop sa mga mangaagawa ay 107,152 kung saan ipinatutupad ng mga ito ang flexible work arrangements at temporary closure para sa mga manggagawa na may kabuuang bilang na 3,023,601.

Ang mga pagtatalang ito ay base sa notices of shutdown at retrenchment na isinumite ng mga employer sa DOLE regional offices. /DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.