Tinig ni Rex Molines

Mga mamimili, nagkukumahog sa pamilihan ngayong MECQ na naman

Image from: Nikkei Asian Review

Tila nagkukumahog na naman ang mga kalungga natin sa mga malalaking pamilihan kung saan ay idineklara na nga nang tuluyan ang Metro Manila at karatig probinsya sa muling pagpapatupad ng Modified enhanced community quarantine nitong Martes, Agosto 4.

Animo’y nakikipaggitgitan sa mga nakakasabayan nila sa mahabang pila na naman sa mga grocery stores dahil sa takot na magutuman na naman ang bawat pamilya.

Huwag po tayo padalos-dalos sa ating pamimili mga kaMilenyo, dahil ang Department of Trade and Industry ay kanilang sinabi na walang kakapusan sa mga suplay ng pagkain at iba pang mga pangangailangan ng lahat. Kaya huwag po tayong magkukumahog sa pamimili kung hindi naman kinakailangan.

MGA ESTABLISIMIYENTO, PANSAMANATALANG MAGSASARA

Dahil sa pagpapatupad muli ng MECQ sa buong NCR, Laguna, Batangas, Rizal, Cavite at Bulacan ay muli na namang magsasara ang kabubukas pa lamang na mga establisimiyento gaya ng salon, gym, barbershop, internet cafe, at ilang mga restaurant at iba pa na hindi sakop ng essential businesses.

Sa isang statement, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang mga negosyo ay bibigyan ng 15 araw na makapaghanda para sa ‘better processes and facilities’ sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula ngayong araw hanggang Agosto 18.

Ipinagbabawal din sa MECQ areas ang fitness studios at sports facilities, testing at tutorial centers, review centers, drive-in cinemas, pet grooming services, driving, dance/acting/voice schools, entertainment industries (traditional cinemas, theaters), libraries, archives, museums, cultural centers, tourist destinations, travel agencies, tour operators, at reservation services. Kaya huwag ng matigas ang ulo mga kaMilenyo.

MEDICAL FRONTLINERS NAGPASALAMAT SA PAGTUGON NG ATING PAMAHALAAN SA KANILANG KAHILINGAN

Batid naman natin na ang pagod ng mga medical frontliners ay hindi natin matutumbasan kung kaya’t nararapat lamang na sila ay ating pakinggan.

Buhat ng magsimula ang pandemya sa bansa patuloy silang humaharap sa banta ng COVID-19 na hindi nakikita ninuman at ngayon ay tila kasama sa hangin ang naturang virus. Marami na ang nagbuwis ng buhay na mga frontliner. Kailangan ay ang pagtugon at pagtutulungan ng bawat isa higit ang mga medical frontliners na ating itinuturing na bagong bayani.

COVID-19 CASES, UMAKYAT NA SA 112K PLUS

Umakyat na sa kabuuang bilang ang mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na may 112,593 nitong Martes. Nadagdagan ito ng 6,352 na mga bagong nagpositibo.

Aniya, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga naitatalang kaso ng DOH sa COVID-19 bawat araw.

May 66,049 naman ng kabuuang bilang ng mga gumaling na at ito ay nadagdagan ng 240. Habang pumalo na sa 2,115 ang bilang ng mga nasawi sa naturang sakit na nadagdagan naman ng 11 nitong Martes. (USAPANG KWARANTIN)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.