
Avigan tablets para sa 100 COVID-19 patients sa Pinas, pinadala ng Japan

Nagpadala ang Japan sa ating bansa ng anti flu drug na Avigan tablets na may potensyal na magpagaling ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Japanese Embassy nitong Huwebes.
“The Government of Japan delivered Avigan tablets for 100 patients to the Philippine Department of Health” pahayag ng embahada ng Japan.

Aniya, bahagi raw ito nang kanilang pagtugon sa kanilang ipinangako sa ating bansa at sa 19 pa na ibang bansa na makapagbigay sila ng libreng gamot at bakuna para sa COVID-19 patients.
Ang pagdating nang naturang gamot sa ating bansa ay bahagi ng pagsasailalim ng Department of Health sa kanilang clinical trial para sa mga COVID-19 patients.
Aniya, kanilang susuriin ang potensyal ng pagiging epektibo ng Avigan drug para sa tuluyang pag-recover nang mga COVID-19 patients sa bansa. (Rex Molines)