
Bayanihan to Recover As One Act, malawak ang saklaw kapag naisabatas

Lusot na ang pag-amiyenda ng House Bill No. 6953 o ang “Bayanihan to Recover as One Act” sa ikalawang pagbasa ng mga mambabatas nitong Miyerkules.
Inaantay na lamang ang pag-apruba ng House of Representative upang matugunan ang ekonomiya ng bansa sa matinding epekto ng pandemya ng COVID-19.
Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kaniyang Press briefing ngayong araw, ang pagpapasa ng Bayanihan II Act ay malaki ang magiging saklaw nito.
Ilan dito ay ang pagpapautang at suporta para sa maliliit nating mga kababayan at ang mga negosyong nagsara. Bukod dito, magkakaroon din ng mga pamamaraan upang i-link up ang mga nawalan ng trabaho.
Aniya, inaasahan na marami ang magkakatrabaho ngayon dahil sa nagpapatuloy na proyekto ng gobyerno na build build build. /DM
Follow us on our official social media accounts and website;
http://www.facebook.com/diyaryomilenyo
http://www.instagram.com/diyaryomilenyoph
http://www.twitter.com/DMilenyo