Kuya Wil nag-donate ng 5M plus 400K para sa mga jeepney drivers at mga nasawi sa Beirut Lebanon

0 0
Read Time:1 Minute, 42 Second

Nagmagandang loob ang komedyante at TV host ng “Wowowin” na si Willie Revillame para magdonate ng P5 milyon at P400k para sa mga higit na nangangailangan ng tulong ngayong may pandemya.

Ito ay isinapubliko ni Kuya Wil mismo sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque at Cavite Gov. Jonvic Remulla kaninang hapon sa Wil Tower.

“Ngayon, sa sarili kong pinag-ipunan, dahil ako naman po ay may trabaho ngayon, gusto kong tumulong una doon sa mga jeepney drivers ano… Sa tingin ko, ito ang unang nangangailangan,” sabi ni Kuya Wil.

“Ang balak ko ho ay magbigay ng P5 milyon sa araw na ito, handa ako, at ibibigay ko sa jeepney drivers na talagang namamalimos na.” Dagdag pa ni kuya Wil.

Bunsod ito nang patuloy na kinahaharap na pandemya ng COVID-19 at nang mag-lockdown muli ang Metro Manila at karatig probinsya. Dahil sa wala ring kinikita ang mahigit 66,000 jeepney units magpahanggang sa ngayon at wala rin silang natatanggap na ayuda mula sa mga ahensya na dapat tumututok sa mga jeepney drivers.

“Next month, magbibigay uli ako ng P5 milyon doon sa mga taong talagang nangangailangan. Kung kakayanin kong monthly ito, sasabihin ko kay Secretary Harry Roque,” sambit pa ng TV host.

Bukod sa pamamahagi ni Kuya Wil ng P5 milyon, dahil sa nangyaring pagsabog sa Beirut Lebanon nitong Agosto 4. Napaulat na 4 na ang nasawi na OFW sa naturang explosion at 31 naman ang nagtamo ng injury nating mga kababayan.

Kaya naman, mamimigay din si kuya Wil ng tig P100,000 para sa apat na OFW na namatay sa Beirut explosions.

“Pag tutulong ka, lubos-lubosin mo na. ‘Yung apat na pamilya po na naulila, I’m willing to give P100,000 each. Sa mga kababayan natin. Nagdudugo ang puso ko sa ating mga kababayan,” sabi pa niya.

“Basta’t hanggat kaya kong tumulong, kasama ko naman ang GMA-7 diyan, gagawin ko.” ani Kuya Wil.

Ang donasyon ni Willie Revillame ay ipapakisuyo niya kay Roque para maipadala naman sa tamang ahensya na magdidistribute nito. (Rex Molines)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise

Learn More →
%d bloggers like this: