
P15 billion “stolen money” pinabulaanan ng PhilHealth

Pinabulaanan ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales ang alegasyong “nagbulsa” diumano ng P15 billion ang mga opisyal ng naturang korporasyon.
Sa naganap na Senate hearing kamakailan, sinabi ng former antifraud legal officer na si Lawyer Thorrsson Montes Keith na siya ay naniniwala sa kaniyang naging imbestigasyong na ang pera ng sambayanang Pilipino ay ibinulsa diumano nang mga nangangasiwa sa tanggapan ng PhilHealth na aabot sa P15 billion.
Saad naman ni Morales, si Keith diumano ay “is in no position to discuss office matters.”
Aniya, “His malicious claims not substantiated by evidence were obviously made to malign officers that rejected his ambitions for higher offices which he is not qualified for.”
Nilinaw din ni Morales ang isyu kaugnay ng interim reimbursement mechanisms (IRM) funds.
Aniya, “Contrary to reports that hospitals no longer need to account for these funds, the IRM is governed by government accounting and auditing rules, hence, it is subject to liquidation by its recipients.”
“Sana ho, tulungan natin ang PhilHealth, tulungan. ‘Wag pagtulungan.” Panawagan din ni Morales. /DM