SHOWBIS ATBP.

Ilang mga bituin nagbigay pugay sa mga medical frontliners

Nagsama-sama ang ilang bituin para magbigay pugay sa naging kontribusyon sa bayan ng mga medical frontliners

Ang video tribute ay paraan ng AKTOR- League of Filipino Actors upang magpasalamat sa serbisyo ng mga medical fronliners.

Ang nasabing video ay nai-upload na noong Miyerkules, August 5.

Advertisement

Ang ilan sa mga bituin na nakilahok rito ay sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Janine Gutierez, Sunshine Dizon, Angel Locsin , Agot Isidro at marami pang iba.

Saad ng AKTOR sa mga viewers,“Kapag natapos na ang lahat ng ito, anumang bagong mundo ang hatid ng ‘di mo pagsuko sa’min.

“Ibibigay namin lahat ng yakap na hindi mo nakuha nooong mga nakaraang buwan.

“Sasalubungin ka namin ng buong pagmamahal at babalik ka sa amin na isang bayani. Dahil ‘yon ka, bayani.”

Ang nasabing video ay mayroon ng mahigit 3,000 likes at 2,000 shares sa social media.

Ang nasabing grupo ng mga celebrities ay naglalayon na baguhin ang paniniwala ng publiko na ang mga aktor ay mababaw na papel sa lipunan.

Matatandaan na nong July 2, ipinakilala ito ng aktor na si Dingdong Dantes sa kanyang social media account.

At ayon sa kanya, “Bilang mga responsableng mamamayan, aming gagampanan ang aming ‘papel’ sa lipunan.”

“We are the industry’s co-creators and collaborators.”

“We are the country’s storytellers. We will work with you in building a stronger nation — one act at a time.” (Ni BENJAMIN DUCAY GARCIA)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.